Free Web Hosting

Red Cross


Red Cross



Pinangunahan ni Mayor Teddy Adao ang Mass Blood Donation (MBD) na ginanap noong Oktubre, 2010. Ito ay magkakahiwalay na isina-gawa sa tatlong barangay ng Kalayaan, Laguna, Brgy. San Antonio, Longos at San Juan.

Ang MBD ay regular na programa ng pamahalaang bayan na ginagawa taon-taon. Simula 2009 ay nagsagawa na ng walong (8) MBD kada taon kumpara sa anim (6) na beses noong mga nakaraang taon. Dahil dito ang bayan ng Kalayaan ay marami ng karangalang natatanggap mula sa Philippine Red Cross provincial man o national awarding.

Sa kabila ng mga pagkilala, ang layunin ni Punong Bayan Teodoro A. Adao, Jr. sa nasabing programa ay upang magka-roon ang bawat barangay ng sapat na dugo na iniimbak sa Blood Bank upang sa panahon ng panganga-ilangan ay mayroon agad makukuhanang dugo ang mga kababayan at maiwasan ang pagkawala ng buhay dulot ng karamdaman at sa mga panahong uso ang dengue


[ 1 ]