About Kalayaan
Structural Organization
Barangay
Directories
Plans and Projects
Download Files
Evaluate Website
Republika ng Pilipinas
Lalawigan ng Laguna
BAYAN NG KALAYAAN
TANGGAPAN NG SANGGUNIANG BAYAN
SIPI SA KATITIKAN NG IKA - 10 PANGKARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG KALAYAAN, LAGUNA 2010-2013 NA GINANAP SA SB BULWAGANG PULUNGAN NOONG SETYEMBRE 7, 2010.
KAPASYAHAN BLG. 55, t. 2010
KAPASIYAHANG PINAGTITIBAY ANG PANUKALANG KAUTUSANG BAYAN BLG. 3, TAONG 2010 - KAUTUSANG NAGTATAKDA NG REGULASYON SA PAGPAPATAKBO/ OPERASYON (OPERATION) NG COMPUTER SHOP/ INTERNET CAFÉ O ANUMANG ESTABLISIMIYENTO KAHALINTULAD NITO NA GINAGAMITAN NG KOMPYUTER NA PINARERENTAHAN O PINAUUPAHAN SA NASASAKUPAN NG BAYAN NG KALAYAAN, LALAWIGAN NG LAGUNA.
SAPAGKAT, ang Sangguniang Bayan, bilang lehislatibong katawan ng bayan, ay magsasabatas ng mga ordenansa at resolusyong kinakailangan para sa isang mahusay at mabisang pamahalaang bayan;
SAPAGKAT, tungkulin ng Sangguniang Bayan na maiangat ang moral at edukasyon ng mga kabataan, maiayos ang seguridad at katahimikan ng sambayanan sa pamamagitan ng pagsasabatas at pagreregula ng mga establisimiyentong maaring makasira o makapinsala sa kinabukasan ng mga kabataan kung hindi maireregula ang pagpapatakbo nito;
SAPAGKAT, maraming mga mag-aaral o estudyante ang nahahaling sa paglalaro ng kompyuter na kung minsan ay humahantong sa pagka-cutting classes na lubhang nakaka-apekto sa hindi magandang pagganap sa paaralan na ikinababahala ng mga magulang;
SAPAGKA’T, sa Seksyon 16 ng Ang Kodigo ng Pamahalaang Lokal ng 1991 :
“Pangkalahatang Kagalingan. - Ang bawat yunit ng pamahalaang lokal ay dapat magpaganap ng mga kapangyarihang hayag na ipinagkaloob, iyong mga kinakailangang ipahiwatig mula roon, gayundin ang kinakailangang kapangyarihang ipinahiwatig mula roon, gayundin ang kianakailangang kapangyarihang angkop o bunga ng mga pangyayari, para sa mahusay o mabisang pamamalakad, at iyong mahahalaga sa promosyon ng pangkalahatang kagalingan. x x x”;
SAPAGKA’T, sa Seksyon 447, (a)(4) ng parehong Kodigo :
PINARERENTAHAN O PINAUUPAHAN SA NASASAKUPAN NG BAYAN NG KALAYAAN, LALAWIGAN NG LAGUNA.
SAPAGKAT, ang Sangguniang Bayan, bilang lehislatibong katawan ng bayan, ay magsasabatas ng mga ordenansa at resolusyong kinakailangan para sa isang mahusay at mabisang pamahalaang bayan;
SAPAGKAT, tungkulin ng Sangguniang Bayan na maiangat ang moral at edukasyon ng mga kabataan, maiayos ang seguridad at katahimikan ng sambayanan sa pamamagitan ng pagsasabatas at pagreregula ng mga establisimiyentong maaring makasira o makapinsala sa kinabukasan ng mga kabataan kung hindi maireregula ang pagpapatakbo nito;
SAPAGKAT, maraming mga mag-aaral o estudyante ang nahahaling sa paglalaro ng kompyuter na kung minsan ay humahantong sa pagka-cutting classes na lubhang nakaka-apekto sa hindi magandang pagganap sa paaralan na ikinababahala ng mga magulang;
SAPAGKA’T, sa Seksyon 16 ng Ang Kodigo ng Pamahalaang Lokal ng 1991 :
“Pangkalahatang Kagalingan. - Ang bawat yunit ng pamahalaang lokal ay dapat magpaganap ng mga kapangyarihang hayag na ipinagkaloob, iyong mga kinakailangang ipahiwatig mula roon, gayundin ang kinakailangang kapangyarihang ipinahiwatig mula roon, gayundin ang kianakailangang kapangyarihang angkop o bunga ng mga pangyayari, para
sa mahusay o mabisang pamamalakad, at iyong mahahalaga sa promosyon ng pangkalahatang kagalingan. x x x”;
SAPAGKA’T, sa Seksyon 447, (a)(4) ng parehong Kodigo :
“Ang Sangguniang Bayan, bilang lehislatibong katawan ng bayan, ay magsasabatas ng mga ordenansa x x x para sa pangkalahatang kagalingan ng bayan at ng mga naninirahan dito x x x at kaugnay nito ay : x x x(vii) Isaayos ang pagtatatag, operasyon at pagpapanatili ng mga pasilidad na panglibangan, x x x isaayos ang gayong iba pang mga pangyayari o gawain para sa paglilibang o pag-aaliw x x x ipagbawal ang ilang uri ng mga libangan o aliwan upang mapangalagaan ang sosyal at moral na kagalingan ng pamayanan;”;
KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Kgg. SKP Erickson M. Farral, pinangalawahan ni Kgg. Kon. Herben C. dela Paz at Kgg. Kon. Edison A. Flores at sinang-ayunan ng lahat na dumalo sa pulong na pagtibayin gaya ng
SEKSYON 3. KAHULUGAN NG MGA SALITA
Computer shop (Kompyuteran)/ Internet Cafe – establisimiyentong nagpaparenta at nagbibigay serbisyo sa pamamagitan ng kompyuter (software programs) kabilang ang internet, video games at iba pang kahalintulad na establisimiyento.
Internet - pandaigdigang teknolohiyang ginagamit sa pamamagitan ng kompyuter (software program). Ito ay binubuo ng magkakaugnay na network o sistema na nagreresulta sa pagpapalitan at pagbibigayan ng impormasyon, maaari ring gamitin sa paglilibang, komunikasyon, negosyo, pag-aaral at iba pa.
Video Game Machine – uri ng kompyuter na ginagamit lamang para sa paglilibang o paglalaro (games) na nirerentahan sa pamamagitan ng paghuhulog ng barya at kinokontrol sa pamamagitan ng joystick, control pad at mga pindutan.
Play Station – Uri ng kompyuter na ginagamit din sa paglalaro o paglilibang na kinokontrol sa pamamagitan ng joystick, control pad at mga buton. Ginagamitan ng balang DVD.
Operator – indibidwal na siyang nangangasiwa, o nagmamay-ari ng kompyuteran o internet café at establismiyentong kahalintulad nito.
Out-of-school youths - mga kabataang hindi nag-aaral sa elementarya, high-school o kolehiyo.
Weekdays – tumutukoy sa mga araw mula Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes at Biyernes.
Weekends – tumutukoy sa mga araw ng Sabado at Linggo.
Holiday/Special Holiday – tumutukoy sa araw na may pista opisyal tulad ng pasko, Bagong Taon, mahal na araw, araw ng mga bayani at iba pang pista opisyal na idinedeklara ng pamahalaang nasyunal at lokal.
-------------------oOo--------------------